Dahil Valentines Day ngayon ang dami kong nakita na pictures ng mga bulakalak, chocolates, stuff toys, love letters and all. May naalala tuloy ako…
3 years ago, first time kong makaranas ng Valentines Day. It was such an epic day. Natatawa ako minsan kapag naaalala ko ang nangyari. Friday ata yun, kaya may club meeting kami. We’re in the same club. Magkalapit lang upuan namin kaya nakita ko ang shocked expression sa mukha niya nang buksan niya ang kanyang bag. Sabi niya may nabali raw. Hindi niya alam na nakikinig ako. Dahil ang laki kong chismosa naki-usyoso ako at tinanong kung anong nabali. Nagulat siguro siya na nagsalita ako kasi parang natameme siya ng saglit bago niya sinabi na lapis niya raw ang nabali. Ang weird no? Nabali lang ang lapis tapos ganun na naging expression niya. Natapos ang na ang club meeting at papalabas na ako nang tinawag niya ako. May kinuha siya sa kanyang bag at iniabot sakin ang isang mahaba than the usual na Toblerone. Of course nagulat ako at kinilig na rin. Alam kong may something kami pero hindi ko inexpect na may ibibigay siya sakin. Ang sarap pala ng feeling no? Na may nag-effort na bumili ng something at itago sa bag para hindi mahalata para suprise daw. Ang cute pa niya nang inabot niya sakin ang chocolates. Para siyang nahihiya na kinikilig na ewan ko sa kanya Hahaha. At eto, ang nakakatawa pa dun ay nung tiningnan ko yung carton, may marks ito na parang na-fold. Yun pala ang ibig niyang sabihin na nabali. Kaya pala ang tagal niyang makasagot sakin nung tinanong ko kung anong nabali. Hahaha Napaka unconvincing ng reason niya grabe. Sayang hindi pumasok sa isip ko picturan ang binigay niya. Pang remembrance nalang sana. (Source: nataleyy)
|