Pinsan ko nga pala. Miss na miss ko na ‘to. Ang lakas naming maglaro nito kahit matanda na ako at malayo gap namin. Bumabalik ang mga memories ng paglalaro namin sa tuwing naaalala ko siya. Ngayon, parang malabo ng mangyari ang mga ‘yon kasi ang laki na ng pinagbago niya. Dalagang dalaga na siya. Ewan ko kung bakit pero parang naging mahiyain na siya. Nakakatampo tuloy. Hindi siguro big deal sa kanya pero sakin medyo. Nagiging OA na ata ako or something. Signs of aging na ba ‘to? Ganyan na siguro kapag ilang buwan na ring kayong hindi nagkikita. Miss ko talaga pagka bata nito eh. Sobra. Mahal na mahal kong magandang dilag na ‘to. :) (Source: nataleyy)
|